Posts

Showing posts from September, 2025

Ang nagbubukas para sa bagong bukas

Image
   Isinilang noong Hulyo 15, 1985, lumaki sa pagsisikap at determinasyon. Mula sa pagiging simpleng magsasaka, siya ngayon ay tagabantay at tagabukas na ng pintuan patungo sa ating kinabukasan. Sa bawat hakbang, dala ang aral ng lupa at tibay ng loob, nagbibigay inspirasyon sa kanyang kapwa.    Bago mapuno ng ingay ang bawat sulok sa paaralan, may isang taong pinapaligiran ng katahimikan at tanging ang sinag ng araw lamang ang nakakasama. Si Maria Lanie D. Dajes, isang securtiy guard sa isang paaralan. Hindi man siya palaging pinakikisamahan, ginagawa niya parin ang makakaya niya upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral.     Taong 2020 nang tahakin ni Maria ang landas ng pagiging security guard, isang tungkuling tinanggap niya upang maiahon ang kanyang pamilya. Sa bawat pagtawg ng tungkulin, hindi lamang seguridad ang kanyang binabantayan, kundi pati na rin ang pag-asa at pangarap ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa kanyang pagsisikap, ang simple...