Ang nagbubukas para sa bagong bukas


   Isinilang noong Hulyo 15, 1985, lumaki sa pagsisikap at determinasyon. Mula sa pagiging simpleng magsasaka, siya ngayon ay tagabantay at tagabukas na ng pintuan patungo sa ating kinabukasan. Sa bawat hakbang, dala ang aral ng lupa at tibay ng loob, nagbibigay inspirasyon sa kanyang kapwa.



   Bago mapuno ng ingay ang bawat sulok sa paaralan, may isang taong pinapaligiran ng katahimikan at tanging ang sinag ng araw lamang ang nakakasama. Si Maria Lanie D. Dajes, isang securtiy guard sa isang paaralan. Hindi man siya palaging pinakikisamahan, ginagawa niya parin ang makakaya niya upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral. 

   Taong 2020 nang tahakin ni Maria ang landas ng pagiging security guard, isang tungkuling tinanggap niya upang maiahon ang kanyang pamilya. Sa bawat pagtawg ng tungkulin, hindi lamang seguridad ang kanyang binabantayan, kundi pati na rin ang pag-asa at pangarap ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa kanyang pagsisikap, ang simpleng trabaho ay nagiging isang makabuluhang paglilingkod. 
 
   Kahit hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral ay hindi ito naging hadlang sa kanya, ngunit ito ay naging inspirasyon sa kanya na mag pursigi upang masuportahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Ngayon handa rin siyang mag lingkod at magbantay para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral

   Sa kabila ng hamon ng kanyang trabaho, hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon. Madalas siyang makita sa kanyang pwesto, handang tumulong at maglingkod sa mga mag-aaral at guro. Ang kanyang presensya ay nagbibigay seguridad hindi lamang sa kapaligiran, kundi pati na rin sa puso ng bawat isa. 

   Hindi lamang sa pagiging security guard sa paaralan makikita ang kaniyang dedikasyon, kundi pati na rin sa buong komunidad na kaniyang pinaglilingkuran. Marami ang nakakaalam sa kanyang sakripisyo upang masuportahan ang kaniyang pamilya, kaya marami ang humahanga kay Maria.

Hindi man madali ang kaniyang trabaho at hindi man siya makatanggap ng gaano karaming papuri—patuloy pa rin siyang nagbubukas ng daan para sa ikakaganda ng ating kinabukasan.Sa kanyang simpleng pamumuhay, ipinapakita niya ang halaga ng sipag, tiyaga, at pagmamalasakit sa kapwa, na siyang pundasyon ng isang matatag na lipunan.
   

   






   
 
  
   

Comments

Popular posts from this blog

My First Blogging Experience

Corpse bride