AI; Tulong o Panganib
Taon-taon nalang may pagbabago sa Agham at Teknolohiya, kaya naman masasabi natin na matatalino ang mga tao sa pag-aaral at paglikha, ngunit paano na lamang kung ang mga nilikhang ito ay unti-unti ring nagiging mapanganib?
Tanyag at kilalang-kulala sa panahon ngayon ang Artificial Intelligence o AI. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng makina na mag-isip, magsalita, magdesisyon, at marami pang iba na katulad ng isang normal na tao. Ito ay naglalayong tulungan ang mga tao sa iba't ibang larangan gaya na lamang sa edukasyon, negosyo, panggagamit, at transportasyon.
Paano nga ba nagiging panganib ang AI sa atin? Ang AI ay nakakatulong sa atin sa ibat-ibang bagay, ngunit maari itong maging panganib sa atin. Ang AI ay isang matalinong teknolohiya, ibig sabihin ay kaya nitong gumawa ng mga pekeng videos na pwedeng gamitin sa pang-blablack mail.
Ang mga AI ay matatalino, ngunit mas matalino ito kesa sa mga tao. Maari itong maapektuhan ang mga nagtratrabaho. Maaring palitan ang tao sa AI, dahil dito mawawalan ng trabaho at makakataas ito sa employment rate. Ang mga trabahong maaring maapektuhan dito ay customer support & call center, telemarketers at marami pang iba.
Sa likod ng panganib ng AI ay may mga maganda din iton epekto. Nakakatulong ang AI sa pag-aaral ng mga estudyante, nakakatulong ito sa problem-solving at sa mga homework. Kaya nitong gumawa ng flashcards at notes at magbigay ng personalized na feedback.
Upang maiwasan ang panganib ng AI, kailangan natin magkaroon ng mga regulasyon at etikal na alituntunin. Dapat din ay maging handa ang mga tao na matuto na mag-adapt ng bagong kasanayan upang manatiling may ugnayan sa mundong pinapagana ng AI.
Oo, ginawa ang AI upang magamit ng mga tao, ngunit tandaan na kailangan magkaroon ng disiplina sa paggamit nito. Disiplina ay nangangahulugan na maging maingat, responsable at maging mapanuri sa paggamit ng AI. Iwasan ring gumamit ng AI para gumawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay.

Comments
Post a Comment